Isang hapon ng Sabado, matapos akong makinig kasama ng aking tatlong klase ng Humanities sa De La Salle University-Manila sa lektura ng isang kilalang classical pianist, nakatanggap ako ng mensahe na nag-iimbita sa aking Facebook. Ito ang mensahe:
hi sir, this is -------- from kristv abs cbn. staff po ako ni ms kris aquino. naghahanap po kasi kami ng sum 1 na may success story at nairefer po kayo ni davee sa akin. live guesting po ito on tuesday . sir if your willing and availabe pls reply po sa msg na ito or txt me po…
Sino ang tatanggi sa ganitong imbitasyon? Nabulabog ang sandali ng aking pananahimik at pagnamnam sa ilang mga classical music na aking napakinggan at naintindihan noong hapon iyon.
Ibinigay ko ang aking cellphone number. Sumunod na ang maraming tanong sa text at ilang tawag sa telepono na matiyaga ko namang sinagot. Kay sarap ng pakiramdam na biglang may nagkaroon ng interes sa akin buhay, sa aking isang pangkaraniwang tao lang. Tungkol daw sa tagumpay ang topic. Sa isip ko, mukhang marami akong paghuhugutan ukol sa topic na ito dahil dumaan din ako sa maraming kabiguan.
Pero may pasubali ang unang kumontak sa akin, sa pamamagitan ng text sabi niya: “Sir, standby ka po ah. Nainform ko nap o yung writer. At hnhnty n lng po namin yung approval ng nsa taas. Inform po kita as soon na tuloy po tayo. Salamat po.”
Kasunod nito ang ilang pang tanong at tawag sa telepono ng isang nagpakilalang writer ng programa. At araw ng Linggo, natanggap ko na ang kompirmasyon sa unang kumontak sa akin: “…Confirmed na po kau on Tuesday ah. Oct11 8.15-8.30 po ang coltym. Elj bldg, abs-cbn.” Natuwa ako sa aking kausap, mukhang organisado at tiyak.
Inihanda ko ang aking sarili. Biglang nagkaroon ng mga pagbabago sa aking schedule bilang isang pangkaraniwang tao. Kailangang handa ako sa Martes.
Kaya Lunes na gabi, inisip ko kung saan ako mag-aagahan. Ipinagpaliban ko muna ang pagpunta sa gym. Inihanda nang mas maaga ang mga gagamitin kong powerpoint sa aking klase para sa hapon ng Martes. Nag-set din ako ng meeting sa isang artist na gagawa ng aking bagong libro sa mismong vicinity ng ABS-CBN. Kinalkula ko na ang oras ng aking meeting pabalik ng Taft Avenue nang di ako mahuli sa aking klase.
Pero eksaktong alas-10 nang gabi, natanggap ko ito: “Hello sir genaro, Sorry to inform you po, di na po tuloy ang guesting niyo tommorow (spelling niya ito) sa kristv. (sad face) May bglaang changes po sa treatment ng script po. Sorry talaga sir.” Kasunod nito ang isa pang text na: “Super sori talaga sir. Nainform lang dn po ako ng writer namin (sad face uli).” Naramdaman ko naman ang sinseridad ng paghingi ng paumanhin ng unang kumontak sa akin na nagsabing magkababayan kami. Nagtext ako: “Ok no problem!”
Naisip ko, inisip ng writer ng programa ang treatment sa script pero ang treatment niya sa mismong taong naabala at may pandama, nabalewala at di niya nagawang isipin!
Sa karanasan kong ito, di ko maiwasang ikompara ang iba pang programang nag-feature ng aking kuwento. Di ko naranasan ang ganito sa mga programang tulad ng Wish Ko Lang at Kapuso Mo Jessica Soho ng GMA 7. Nahiya pa nga ako sa pagiging on time at kasipagan ng mga staff sa mga nabanggit na programa. Nagpunta sila sa Binondo sa aking pagtuturo sa mga street children, sumama sa akin sa kalye habang nagtuturo, nagpunta sila sa DLSU-M at kinunan ako habang nagtuturo, nakarating pa sila mismo sa aking munting bahay sa Bulacan kahit kasagsagan ng bagyo. Hatid-sundo rin ako.
Alam ko ang kalakaran sa media. Sa aking pagtuturo sa aking mga estudyanteng kumukuha ng mass media, lagi kong sinasabi, kung papalaot sila sa mundong ito, kailangang handa silang magpa-exploit. Tiyak na patataihin sila ng istorya para sa programa. Papaghahagilapin sila tiyak ng kuwento saan mang lupalop ng mundo. Gagamitin ang kanilang creativity sa ngalan ng rating at iba pa. Binabayaran sila para rito. Kahit galing sila sa mamahaling pamantasan o mayamang pamilya, balewala ito sa mga taong matagal nang nakababad sa media. Kabilin-bilinan kong alamin at isabuhay ang ethics sa pangangalap ng istorya buhat sa ibang tao at maging professional sa pakikipag-usap. Huwag manggagamit ng mahihirap o mahihina sa ngalan lang ng programa at rating. Ang kalakaran ng gamitan sa media ang dahilan kung bakit di ko pinasok ang mundong ito. Ayokong magpagamit!
Noong kasagsagan ng Marina ng ABS-CBN, kinontak ako ng isang taga-publishing ng kompanya upang gawin at sulatin ang komiks bersiyon ng programa. Ginawa ko ang concept at preliminaries. Sa ilan ding meeting, di nababanggit ang aking fee. Tinabangan ako at nawalan ng gana sa proyekto. Nagkataon namang bumaba ang rating ng Marina dahil binanat nang binanat ang istorya para tumagal. Buti na lang at di ko ginawa ang komiks. Mahirap tumangging ako ang gumawa ng komiks kung nakalathala rin ang aking pangalan. Napaka-effective pa namang medium ng komiks. Ayokong gawan ng legacy ang isang palabas na di naging maganda ang wakas.
Sa mismong programang Kris TV, kung susuriin ang mismong espasyong ginagalawan ng mga guest, makikita ang tunggalian ng uri at kapangyarihan. Mapapansing ang mga kilalang personalidad ay nakaupo sa magandang sala kasama ni Kris. Pero ang iba pang inpormants na di kilala o “walang pangalan” ay kasama ng audiences.
Sa isang episode na aking napanood, kasama ni Kris sa sala sina Sweet, Candy Pangilinan, isang Attorney, at Gerard (nakalimutan ko ang surname niya). Nasa audiences naman ang dalawang babaeng may anak na may kapansanan at isang expert from DepEd.
Sa diskurso ng pagtatanong, mahahalatang ginamit lang episode na ito para sa pagbebenta ng “Budoy” ni Gerard. Itinago ang ganitong intensiyon sa pagsasabing de-kalidad at maganda ang values ng “Budoy.” Higit na maraming ibinatong tanong sa mga kilalang personalidad. At sa dalawang pangkaraniwang ina, halos tig-isang tanong lang. Mapapansin din ang kakulangan ng kaalaman ni Kris sa dalawang ina. Inakala niyang may single parent sa kaniyang tinatanong. Nakahihiya ang ganitong insidente ng pagkakamali sa pambansang telebisyon dahil patunay ito ng kakulangan ng malasakit ng kilalang host na alamin ang kuwento ng karaniwang tao na magagamit sana upang makapagtanong din siya ng matino at mahusay na tanong. Pero na-master na ni Kris ang retorika ng pagtatanong o interbiyu, kayang-kaya niyang bumawi sa kaniyang pagkakamali sa paraang di halata at palabasing di niya kasalanan. Naibato agad ni Kris ang sisi sa kaniyang staff sa pagsasabing iba ang research na kaniyang nabasa.
Si Gerard ang malimit tanungin ni Kris kahit wala namang kontent o paulit-ulit lang ang sagot ng tinitiliang binata. Hinuhugot lang ni Gerard ang kaniyang sagot bilang artistang gumanap na may kapansanan sa “Budoy.” Nanghihinayang ako sa dalawang karaniwang ina na kasama sa audiences. Maaari silang paghugutan ng totoo at mga “nakatuntong-sa-lupang” pahayag.
Tiyak kong kung natuloy ako sa Kris TV, kasama rin ako sa audiences, sa espasyo ng mga pangkaraniwan at “walang pangalan.” Siguro kung isa akong kilala, mayaman o makapangyarihang tao, mangingimi kahit papaano ang kumontak na gawin sa akin ito. Sino nga ba ako? Pero sa mga Pilipino kasi, sa bansang binaliw ng tsismis at ka-showbizan, interesado talaga tayo sa kuwento ng mga artista at “may pangalan”, kaysa mga kuwento ng mga kababayan nating lubog sa baha sa Bulacan.
Sa totoong buhay, kung may mga taong pakiramdam ko ay umalipusta sa akin, madalas ay ginagawa ko silang mga tauhan sa aking kuwento. Sila yung mga ginagawa kong kontrabida. At dahil kontrabida sila, sila ang pinarurusahan ko sa bandang huli. Kailangang maging madugo ang kanilang kamatayan. Pero di ko ito magawa sa mga staff ng Kris TV dahil walang silang mukha at katawan sa aking imahinasyon—mga text at tinig lang sila kaya mahirap silang gawing tauhan o lalong higit na maging tao.
Mahirap at di tamang mag-generalize. Tiyak kong higit na maraming tao pa rin ang may magandang karanasan sa Kris TV. Malas ko lang dahil pangit ang sa akin. Siguro, mabibilang lang sa daliri ang may pangit na karanasan na tulad ko.
Sa aking paglalaro sa The Price is Right (programa uli ni Kris) ngayong taon sa ABS-CBN, tuwa ang aking naramdaman kahit di ko naiuwi ang anumang sa mga premyo. Natuwa ako dahil patas ang laban. Alam ko kasing mahina ako sa hulaan ng presyo. Ipinagngingitngit ko di ang di ko paglabas sa programa kundi ang naging pagtrato sa akin. Sa bago kong karanasang ito, pakiramdam ko, di lamang ako natalo kundi nanakawan ako—ng panahon, effort (may salin ba ito sa wikang Filipino), at ng dignidad bilang isang karaniwang tao. Nabulabog ang aking tatlong araw!
Monday, October 10, 2011
Wednesday, September 21, 2011
Kuwitis
MADALAS AKONG TAKASAN ng aking dalawang Ate noong bata ako. Malaking sagabal kasi ako sa aking Ate Rowena at Ate Sally (kambal kong kapatid na babae) sa kanilang paglalakwatsa o paggagala. Madalas pinatutulog muna nila ako upang makatakas sila.
Isang gabi, tinakasan na naman nila ako pero ang di nila alam ay nagkukunwari lang akong tulog. Sinundan ko sila. Sa aking pagsunod, di ko namamalayang malayo na rin pala ang aking narating.
Di pa ako nag-aaral noon kaya sa tantiya kong nasa apat hanggang limang taon ako noon. Nakarating ako hanggang bisita sa Muzon. Naakit ako sa kakaibang kulay at liwanag ng bisita. Maraming arko na sinabitan ng iba’t ibang kulay ng bulaklak na gawa sa papel na may hawakan sa magkabila at dala ng dalawang tao. Sa gitna ng arko ay makikita ang mga batang babae at lalaki na makinang at kay gaganda ng bihis. Kay liwanag ng paligid. Nakakalula ang dami ng tao.
Nang magsimulang maglakad ang prusisyon. Nakisabay ako. Sa paglalakad, hinahanap ko ang dalawa kong tumakas na Ate. Di ko sila makita. Pinagtataguan na naman nila ako, naisip ko. Mahaba-haba na rin ang aking nalalakad pero di ko alam kung ano ang sinamahan ko.
Pagdating sa Pastol, malapit sa aming lumang bahay, naisip kong uuwi na ako. Pero bago pa man tuluyang tumapat sa aming bahay ang prusisyon, may nagsindi ng isang kuwitis. Sa halip na pumuntang langit ang kuwitis sa tabi ko ito pumunta. Mabilis na mabilis. Parang nagbaga ang aking paligid. Nag-init ang aking mukha. Sa isang iglap sa pisngi ko pumutok ang kuwitis.
Umalingawngaw sa buong Pastol ang aking pagpalahaw! Ako na bigla ang tiningnan ng lahat ng tao.
Kasama rin pala sa prusisyong iyon ang isa ko kapatid na lalaki. Agad niya akong nakilala at inuuwi ng aming bahay.
Kinabukasan, nagising akong katabi ang isang biyak ng cortal at isang de-boteng Royal Tru Orange. Masarap pala ang maputukan. Bihirang-bihira akong makainom noon ng de-bote.
Pero ang kinatatakutan ko ay ang Tatay ko. Maaaring bugbugin niya ang aking dalawang Ateng mahilig tumakas. Alam na alam ko kung paanong magalit si Tatay. Wala siyang pakialam saan mang bahagi ng mukha o katawan tumama ang kaniyang matitigas na kamao. Tatalunin niya si Fernando Poe Jr. sa pagsuntok. Nakita ko kung paano niya pinagsusuntok ang isa kong kapatid na lalaki. Pero si Ate Rowena lang ang napagbuhatan niya ng kamay. Si Ate Sally nakatakas uli.
Hanggang ngayon, kaba at takot ang aking nararamdaman kapag may mga kuwitis na sinisindihan kung may kasal, binyag, pista, o Bagong-taon. Pakiramdam ko, parang sa tabi ko papunta at nakatakdang pumutok ang mga ito. Mabilis na bumabalik sa akin ang mainit at mahapding pakiramdam. Naaamoy ko ang pulbura.
Mahalaga sa akin ang karanasan kong ito dahil noon ko nakitang mahalaga rin pala ako sa Tatay ko. O sige na, kahit naaalangan akong sabihin hanggang ngayon, mahal rin pala ako ng Tatay ko. Naaalangan akong sabihin dahil di ako sanay o sinanay magparamdam ng nararamdaman. Maging si Tatay, di kailanman nagsabi na mahal niya kaming magkakapatid. Eksakto lang kung magsalita ang aking Tatay. Kung may iuutos o ipagagawa siya, iyon lang talaga ang sasabihin niya.
Ngayon ko naisip, bakit kailangan ko pang maputukan ng kuwitis at masaktan ang aking kapatid para lang malaman at madama kong mahal rin pala ako ng Tatay ko?
Bakit kailangan ko munang maramdaman ang hapdi ng kuwitis para makainom ng cortal at makatikim ng masarap na Royal Tru Orange?

Friday, September 9, 2011
Kulambo
NAKATATAKOT NGAYON ANG bilang ng mga naging biktima at namatay na dahil sa sakit na Dengue. Di man lang marunong pumili ang sakit na ito ng taong dadapuan—mahirap man o mayaman. Naisip ko, kahit papaano ay may equalizer naman sa ating lipunan. Kahit man lang sa sakit na Dengue, mararamdaman nating pantay-pantay ang lahat—politiko man o kargador ng mga gulay sa palengke. Unfair talaga ang buhay kung mahirap lang ang dinadapuan ng Dengue!
Ang matinding takot ang nagtulak sa akin upang pumunta sa isang kilalang mall upang bumili ng kulambo na pang-isahan lang. Di naman malamok sa aking munting tinitirahan sa Maynila pero alam kong traydor ang mga lamok. Pero nabigo akong makabili. Ayon sa saleslady na pinagtanungan ko, wala na raw silang stock. Ang nakita ko ay kulambong pang-sanggol na binubuksan na parang isang payong.
Uso pa nga ba ang paggamit ng kulambo? O talagang naubos lang dahil mataas na demand dahil sa dengue?
Isa sa mga bisyo ko sa pagtulog noong bata ako ay ang pagkikiskis ng aking paa sa kulambo. Madalas nga akong kagalitan ng aking Nanay dahil sa laging napipigtas ang pagkakatali ng kulambo dahil halos gawin ko na itong kumot.
Ayos na ayos na magkabit ng kulambo ang Nanay ko. Pantay na pantay ang pagkakatali. Kailangan din ipailalim na mabuti ang laylayan ng kulambo sa higaan naming banig nang di makapasok ang mga lamok.
Hanggang sa aking paglaki, dala-dala ko ang hilig sa kulambo. Hinding-hindi ako makakatulog hangga’t walang mapagkikiskisang magaspang ang aking mga paa. Higit na mainam kung may isa pang kulambo na maaaring kong gawin sapin o kumot sa pagtulog. Walang maaaring kumuha o umagaw ng aking kulambo dahil maghahalo ang balat sa tinalupan.
Sa aking alaala sa Pastol, mas malalaking kulambo ang aking nakikita. Magkakatabi kaming magkakapatid kaya kailangang malaking kulambo rin ang gamitin na halos sumakop sa aming kabahayan. Kuwentuhan ang nagpapaantok sa aming magkakapatid noon. Ngunit habang kami ay lumalaki, at habang isa-isang nagsisipag-asawa ang iba, naging pang-isahan na ang aming mga kulambo. Kani-kaniyang kabit ng kani-kaniyang kulambo.
Nang mag-aral ako sa kolehiyo at manirahan sa Maynila, pinilit kong kalimutan ang bisyo sa pagtulog. Nahiya na kasi akong dalhin at makita pa ng ibang tao ang aking luma at gula-gulanit ng kulambo. Ngayon, nasanay na akong matulog nang walang kulambo bagaman paminsan-minsan ay hinahanap ko pa rin ang masarap sa paang kagaspangan ng kulambo.
Buti na lang at di muna ako nakabili ng kulambo. Alam kong maraming alaala ang magsisibalik kung gagamit uli ako nito—mga alaala ng aking kamusmusan na ang aking Nanay ang aking katabi sa pagtulog sa iba’t ibang bahay na tinirahan.
Tiyak na sa mismong pagkakabit ko ng bago kong biling kulambo, maaalala ko si Nanay na siyang nagkakabit ng kulambo. At sa paghinga ko sa loob ng kulambo, maaalala ko siya na aking katabi.
At ang pinakamahirap, ang sumagi sa isip at maramdaman ang lungkot ng mahaba-maha na ring panahon ng aking pag-iisa.

Tuesday, September 6, 2011
Hula
ISA SA PAMBIHIRANG kakayahan ng Tatay ko ay ang panghuhula. Noong bata ako, sa pamamagitan ng aking palad, hinulaan niya akong di raw ako yayaman. Gastador raw ako. Wala man lang raw siyang makitang mga guhit sa aking palad na lumilikha ng kuwadrado o kahon na tanda raw ng pagiging matipid o pagyaman balang-araw. Lahat daw ng pera ay palabas at dadaan lang sa aking palad.
Tumatak sa aking isip ang sinabing iyon ng aking Tatay. Lagi kong tinitingnan ng aking palad noon. Pakiramdam ko, parang natapos na agad ang aking mga pangarap kahit di pa natutupad. Parang wala na talagang pag-asang yumaman ako. Lalo pa’t alam kong mahirap kami. Nakasanla sa bangko ang lupang kinatitirikan ng aming lumang-lumang bahay. Marami sa mga kapatid ko ang di man lang nakatuntong sa kolehiyo.
Tingin ako nang tingin sa akin palad noon, pilit akong naghahanap ng mga guhit na lumilikha na kuwadrado at walang anumang butas o guwang na maaaring pagdaanan ng pera palabas. Baka malabo lang ang mata ng Tatay ko.
Nang tumira na ako sa aming lumang bahay sa Pastol pagtuntong ko ng Grade 4 ako, lubos kong nakilala ang Tatay ko.
Mahilig siyang manita—may ginagawa man ako o wala. Ayaw na ayaw niyang nasasayang ang buong maghapong walang ginagawa. At kung may ginagawa naman ako, sisitahin pa rin niya ako.
Kailangang sa pagwawalis, dahon na dahon lang ang mawalis at madakot. Galit na galit siya kung may makikitang bato o lupang makakasama sa pagwawalis. Bago lagyan ng tubig ang tapayan, kailangang isisin o eskobahin munang mabuti ang tapayan at itaob kung maaari. Sa pagdidilig, ayaw na ayaw niyang makikitang sa dahon idinidilig ang tubig. Gusto niyang sa mismong lupa nang makarating agad sa ugat ang tubig. Sa pagkain, ayaw na ayaw niyang iinom ako agad ng tubig pagtapos kumain. Kailangang magpalipas muna nang ilang minute bago uminom ng tubig. Ayaw na ayaw rin niyang makikita akong umiinom ng de-bote. At maging ang aking paglalakad ay sinisita niya, huwag ko raw kaladkaring mabuti ang aking paa nang di rin agad maupod ang aking tsinelas. Labis niya akong kinagalitan nang magdamo ako ng aming bakuran. Akala ko kasi, damo pa rin ang aking binubunot noon, iyon pala ay mga halamang gamot na niya. Kaya mula noon, kinikilala ko muna ang mga damo bago bunutin. At kung tama naman ang aking ginagawa batay sa mga utos ni Tatay, walang anumang papuri akong naririnig sa kaniya. Di talaga niya ugali ang pumuri ng mga tamang gawa. Hangga’t wala akong naririnig na paninita buhat sa kaniya, ipinagpapatuloy ko ang aking ginagawa.
Taong 1988 pumanaw ang aking Tatay at hanggang ngayon, sa anumang aking ginagawa noong bata na ginagawa ko ngayon, parang lagi pa rin siyang nakamasid o nakabantay sa aking ginagawa. Natatakot pa rin ako kung sakaling pumalpak o mapahamak ako dahil di ko sinunod ang kaniyang utos o gusto. Natatakot akong di maging matino sa buhay.
Kahit sa mga malalaking desisyon ko sa buhay ngayon, iniisip ko pa rin kung ano ang sasabihin ng aking Tatay kung buhay pa siya. Di talaga siya nawala sa aking buhay.
Isang araw nang mag-flash-back sa aking isipan ang sandaling hawak ni Tatay ang aking mga kamay habang ako ay hinuhulaan niya noong bata ako, naisipan kong tingnan ang aking palad. Nagulat akong kay raming guhit sa aking palad na nagkapatong-patong at lumikha ng mga kuwadrado o kahon—sa kanan o kaliwang kamay man.
Di kaya ito nakita ni Tatay noon? O talagang nababago lang ang mga guhit sa palad sa pagtakbo ng panahon? Pera lang kaya talaga ang sukatan ni Tatay ng yaman?
Walang kamalay-malay si Tatay noon kung magiging ano ako ngayon. Kung buhay kaya si Tatay ngayon, sitahin rin kaya niya ang aking piniling propesyon?
Bakit ko pa pinili ang pagtuturo at pagsusulat gayong wala namang talagang yumaman sa pagiging guro at manunulat?
Pero isang hula pa rin ang aking natatandaan noong bata ako na sinabi naman ng aking Ate Perla, ang panganay kong kapatid. Sabi niya, yayaman daw ako dahil sa nunal sa ibaba ng daanan ng hangin sa aking ilong.
Labis ang pagdarasal ko ngayon, talunin sana ng hula ng aking Ate Perla ang hula ng aking Tatay na ang lahat ng sinasabi ay itinuturing kong tama at ang pinakatotoo sa lahat.

Sunday, September 4, 2011
Avon
MGA KOMERSIYAL ng AVON sa telebisyon ngayon, may mga babae o ina ng tahanang nagpapatotoo sa magandang buhay na naibigay sa kanila sa pagtitinda o pag-aalok ng nabanggit na beauty products.
Ayon sa kanila, dahil sa AVON, nakapagbundar sila, nakapag-aaral ang kanilang mga anak sa magagandang eskuwelahan, at nakapaglalakbay sila sa iba’t ibang bansa. Nais kong patotohanan na totoo nga ang kanilang mga tinuran. Dahil ako mismo ay nag-alok at nagtinda ng AVON noong ako ay nasa 4th year hay skul.
Kay Aling Delma ako kumukuha ng AVON na taga-Muzon din. Noon mga panahon iyon, pansin na pansin ko ang kaluwagan sa buhay ni Aling Delma. Halos sa kaniya kumukuha ng lahat ng nagtitinda ng AVON sa aming lugar. Punong-puno ng AVON products ang estante ni Aling Delma sa loob ng kaniyang bahay.
Sa tanda ko, naging dealer din si Aling Delma ng Tupperware na noon ay naging status symbol. Talagang marami ang nabaliw sa mga plastik na lalagyan o baunan na produkto na parang halos buong buhay mong gagamitin dahil sa talagang matibay. Tiyak na mamamatay rin ang negosyo kung ang lahat ng produkto ay matibay. Kailangang masira ang produkto nang hangarin din ng tao ang bago. Kaya siguro nawala rin paglaon ang Tupperware dahil sa tibay ng kanilang mga produkto.
Balik tayo sa AVON. Suki ko ang aking mga kaklaseng babae na mahihilig sa mga pabangong roll-on. Hulugan naman kaya di mabigat sa bulsa. Puwede nilang kunin sa kanilang mga baon. Nag-alok din ako sa iba pang ina na nais magpaganda at bumango.
Kompleto ang AVON. Bukod sa mga cosmetic, may mga wallet at sinturong pang-lalake rin, may mga garment tulad ng t-shirt, blouse, damit-pambata, brief, panty, bra hanggang lamp shade, bag, sapatos, at iba pa. May girdle rin para sa mga inang gustong umimpis ang puson kapag nagsusuot ng mga hapit sa katawang damit. Sa AVON ko rin nalaman ang sukat ng mga bra, na may mga cap-cap pang tinatawag, na may Cap A at B na depende sa laki ng dede.
Marami rin akong naialok na AVON. Malaki rin ang kita dahil 20% ang ibinigay sa akin ni Aling Delma. Ang ginagawa ko, binabayaran muna agad ang aking kinuhang produkto mula sa aking mga koleksiyong hulog kay Aling Delma. Hinuhuli ko na lang ang aking porsiyento. Takot akong magkautang! Sa dami ko ngang naibenta, isinama pa ako ni Aling Delma sa Christmas Party ng AVON. Puro babae at ina ang aking nakita.
Pero nagkaroon ako ng malaking problema. Sa bandang huli, nagastos ko rin ang aking koleksiyon dahil ito na halos ang kinukunan ko ng aking baon sa araw-araw at pambayad ng matrikula. Kaya pagka-graduate ko ng hay skul, lubog din ako sa utang kay Aling Delma. Sa aking pag-uwi at pagluwas ng Maynila, noong nagkolehiyo na ako, lagi akong nagdadasal na sana ay huwag kong makasakay si Aling Delma. Pinagtaguan ko si Aling Delma sa ilang taong aking pag-aaral ng kolehiyo.
Kaya noong magkatrabaho at tinanggap ko ang aking suweldo, unang-una kong pinuntahan si Aling Delma sa kaniyang bahay. Tinanong ko sa kaniya ang kabuuang utang ko at sabi ko ay babayaran ko na. Ang tanda ko, kulang-kulang 3,000 pala ang aking naging utang. Malaking halaga rin ito noon. Sa wakas nabayaran ko na rin si Aling Delma. Lumuwag bigla ang aking pakiramdam.
Pagkaraan ng halos ilang linggo o buwan, nakasakay ko sa isang pampasaherong dyip si Aling Delma at sinabi niya sa aking di lamang daw ang binayaran ko ang aking utang, mayroon pa raw siyang di nailista o naisama. Pero ang sabi ko, wala na akong utang. Nabayaran ko na sa kaniya ang aking kabuuang utang.
Nabalitaan ko ang mga pangyayari sa buhay ni Aling Delma. Di na siya kasing-luwag ng dati. Ang dinig ko, tinakasan siya ng ibang pinagkatiwalaan niyang magtinda ng AVON.
Sa aking pag-uwi-uwi sa Muzon, madalas kong makita si Aling Delma, bitbit ang dalawang plastik na puti na alam kong AVON products pa rin ang laman. Siya na ngayon ang mismong nag-aalok ng AVON sa aming lugar.
Kung sakaling kunin ako ng AVON na maging endorser ng kanilang produkto, isa lang ang gusto kong patotohanan o sabihin.
Sa AVON, natututo akong harapin at di kalimutan ang obligasyon ko sa isang taong aking pinagkakautangan!
‘Yon lang po at maraming salamat!

Friday, September 2, 2011
Kuya Tikboy
SI KUYA TIKBOY ang bunsong kapatid ng aking Nanay. Sa labintatlong magkakapatid, ayon sa kaniya, tatlo na lang silang nabubuhay.
Natutuwa ako sa pagdalaw paminsan-minsan ni Kuya Tikboy sa aming magkakapatid sa Pastol dahil kahit papaano parang nararamdaman ko na ring dinadalaw kami ng aming yumaong ina. Biglang sumagi sa isip ko, di siya nakakaligtaang abutan ng pera ng aking Nanay noon kung sakaling nagkita sila sa pagsamba. Ngayong tumanda na lang siya talagang bumisita sa aming magkakapatid. Sa pagsasalita at itsura ni Kuya Tikboy, kung naging babae lang si Kuya Tikboy, aakalain kong siya ang Nanay ko.
Aaminin kong lumaki akong di talagang nakikilala nang lubusan ang pamilya ng aking ina. Liban sa alam kong marami sa kanila ay mga taal na Iglesia ni Cristo, wala na akong alam tungkol sa kanila. Si Kuya Tikboy, hanggang ngayon, pinagmamalaking nanatili siyang Iglesia ni Cristo hanggan sa ngayon.
Sa pagdalaw ni Kuya Tikboy sa akin, kahit papaano ay nagtatanong-tanong ako sa kanya. Nais kong makilala ang pamilyang pinagmulan ng aking Nanay.
Sa kanya ko nalaman, pumanaw na si Mang Genaro na siyang sana ay aampon sa akin noong ipinanganak ako ng aking Nanay. Kay Mang Genaro na taga-Balut, Tundo nanggaling ang “pang-matanda” kong pangalan. May isa rin palang pinsang milyonaryo na taga-Blumentritt ang aking Nanay na nagmamay-ari ng malalaking supermarket doon—“Mameng” daw ang pangalan.
At noong araw raw ay nanilbihan pa roon ang aking Nanay. May tampo raw siya sa isa pa naming Tiyahin dahil 500 pesos lang raw ang ibinigay sa kaniya kapalit isang bagong electric fan na mas mahal ang kaniyang bili.
Kasunod na nito ang mga balita tungkol sa kaniyang sarili. Dalawa raw sa kaniyang mga anak ay di man lang nakatapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Ang isang anak niyang namamasukan ay malapit nang matapos ang kontrata. Sa buong buhay raw niya ay di pa siya nakararanasan na magkaroon sariling bahay. Lagi raw silang nangungupahan. Sa Valenzuela, Caloocan City raw siya ngayon nangungupahan. Paminsan-minsan ay nagmamaneho siya kung may gusto magpamaneho sa kaniya. Baka iyon na raw ang kaniyang huling pagdalaw. Alam kong ang mga kuwento ito ang paraan niya ng panghihingi ng tulong. Kahit papaano, aabutan ko siya. Ilan din kaming magkakapatid na nasa Pastol ang nag-aabot sa kaniya.
Nakadama ako ng matinding awa kay Kuya Tikboy. Sana ay di totoong huling dalaw na niya sa aming magkakapatid.
Ang totoo, nais ko pang magtanong tungkol sa pamilya ng aking Nanay. Ngayon nga, nakalista na sa aking isipan ang mga tanong na gusto kong itanong sa susunod niyang pagdalaw. Saan sila sa Nueva Ecija? Sino ang iba pang apelyidong kamag-anak namin? Bakit sila napunta ng Balut, Tundo? Paano at bakit naging Iglesia ni Cristo ang buong pamilya ng aking Nanay? Nasaan na ang iba pa nilang kapatid na buhay pa? Gusto kong madagdagan ang kakaunting kuwento na alam tungkol sa pamilya ni Nanay. Gusto kong makilala ang aking pinag-ugatan.
Pero bukod sa mga sagot sa aking mga itatanong kay Kuya Tikboy, ang totoo, gusto ko siyang abutan ng halagang kaya ko—mas mabuti na ang tumutulong kaysa tinutulungan lalo na kung kadugo ko ang aking inaabutan.
Matanda na si Kuya Tikboy. Dapat ay nagpapahinga na lang siya.

Monday, August 8, 2011
Si Espiritu
Siya ang dahilan ng lahat--kung bakit ako nakapagturo ng wika at kulturang Filipino sa mga banyaga sa Advanced Filpino Abroad Program (AFAP), kung bakit ako nagkaroon ng munting bahay at aklatan, kung bakit ako naimbitahang magturo sa DLSU-Manila, kung bakit ako nakapag-aral at nakatapos ng aking Masteral nang walang anumang ginastos sa DLSU, at siya rin ang tanging dahilan kung bakit ako naging guro ng Filipino--si Dr. Clemencia Espiritu.
Ang pagpanaw ng kaibigan kong guro na si Ramero B. Royo ang naglapit sa akin sa kanya. Tanda ko, kinausap niya ako sa kanyang munting opisina at ikinuwento niya sa akin ang mga pangarap niya kay Sir Ram. Pangarap niyang makapagturo si Ram sa ibang bansa. Sa katunayan, may mga pamantasang na siyang nahanap at nag-iimbita kay Sir Ram para makapagturo sa darating na tag-araw.
Doon ko nakita ang katatagan niya--kapwa kami nagluluksa sa pagpanaw ni Sir Ram na lubhang malapit sa aming dalawa.
Mula noo'y isinama niya ako sa lahat ng kanyang mga proyekto--pagsulat ng modyul sa DepEd, sa mga panayam sa iba't ibang pamantasan at lalawigan, sa mga programa sa PNU tulad ng Gawad Genoveva Edroza Matute, sa samahang PSLF, at kung anu-ano pa. Dahil dito, natuklasan ko ang iba pang kayang kong gawin bukod sa pagiging guro ng Kasaysayan sa PNU-CTL. Dahil sa kanya, nadagdagan ng tatag ang aking pakpak. Dahil sa kanya, higit akong nagtiwala sa aking kakayahan. Sabi ko nga sa kanya noong iniimbitahan niya akong magtraining sa AFAP, "mukhang di ko po kayang magturo dahil di naman ako Filipino major, Soc Sci major po ako". Ang sagot niya, "Mas dapat ka ngang magturo ng Filipino dahil may kontent ka."
Ang aming bawat proyekto, nakita ko ang talas ng kanyang isip. Kaya nga't anumang proyektong ibinibigay niya sa akin, tinatapos at pinagbubuti ko. Mahirap makuha ang tiwala ni Dr. Espiritu, kung kaya't ayokong sirain ang tiwalang ibinibigay niya sa akin. Siya rin ang laging nagsasabing dapat na akong magturo sa kolehiyo ng Filipino. Sa katunayan, siya pa ang sumulat ng aking liham sa pangulo ng PNU para makapagturo ako sa Kolehiyo. Itinuro rin niya sa akin na ayusin ko ang aking portfolio, na magkaroon ng pokus sa aking mga ginagawa at gagawin pa, na huwag akong maging sabog. Natatandaan ko ngang lagi niyang sinabi sa akin, "Don't spread yourself very thinly."
Kabaligtaran si Dr. Espiritu ng ibang propesor. Gusto niyang makitang umunlad ang iba--ang kanyang mga estudyante. Gusto niyang bigyang puwang at pagkakataon ang iba. Tuwa at galak ang kanyang nadarama tuwing may natatanggap akong parangal sa labas ng pamantasan--ilang beses ko itong napatunayan.
Kaya nga tuwing babalikan ko ang mga daan pabalik sa aking buhay, kung iisipin ko ang dahilan ng mga mayroon na ako ngayon, iisang tao lang ang natatagpuan ko sa dulo ng daan--si Dr. Espiritu. Siya ang naghawan ng daan para sa akin. Siya at tanging siya lamang ang dahilan kung ano ang mayroon ako ngayon. Nawala sa akin ang PNU, pero mayroon siyang ibinigay na iba. Binuksan niya sa akin ang pintuan ng ibang tahanan, ng isang tahanang tunay na kumakalinga at kumikilala sa aking taglay na kakayahan, kahit di ako talagang nagmula rito.
Salamat Dr. Espiritu! Saan man ako makarating sa aking buhay, lagi't lagi akong magbabalik sa iyo upang magpasalamat nang walang hanggan!

Subscribe to:
Comments (Atom)