Saturday, August 29, 2009

Malupit sa Akin ang San Joaquin

BIBIHIRA ANG NAKAKAALAM na ako ay lumaki sa San Joaquin, Batangas. Doon ako nagsimulang mag-aral mula Kinder hanggang Grade 3. Maraming taon sa aking buhay pagkabata ay nangyari roon. Dito ako unang natutong magbasa at magsulat sa tulong ng aking gurong puting-puti na ang buhok. Tanda ko, ang simbahan ng San Joaquin ang una kong paaralan. Dito rin ako natutong mag-isa at magtiis.

Pero kung maraming magagandang alaala ang naibigay sa akin ng San Joaquin, marami rin ang mapapait. Sa maraming taon ng aking pagtira roon, naramdaman ko ang aking pagiging dayuhan, hinding-hindi ko kailanman naramdaman ang pagkalinga ng mismong lugar. Pinatutuloy nga ako ngunit hinding-hindi pinapapasok. Nakatira ako sa aking panganay na kapatid, ngunit malinaw na sa aking isipan na ako ay nakikitira lang.

Sa paaralan, maliban sa isang kuwento ukol sa batang nasugatan dahil sa pagpipilit niyang balatan ang santol, wala na akong matandaan. Blangko ang mukha ng aking mga naging guro. Walang-wala akong matandaang magandang karanasan buhat sa kanila. Ang kanilang pagkalinga ay nauubos sa matatalino at may mga kaya kong kaklase—sa mga kaklase kong ang apelyido ay talagang tagaroon. Madalas na nagsisimula sa titik M (Manila, Mabilangan, Manzo at iba pa) ang apelyido ng talagang tubong-San Joaquin. Ang kanilang mga ngiti at pansin ay nauubos sa mababango at magaganda kong kaklase—sa mga kaklase kong guro rin ang mga magulang. Walang-wala sa kanila ang nakakita o nakatuklas ng aking potensyal o munting kakayahan.

Dahil sa aking apelyido, tukoy na tukoy na ako ay isang dayo. Ibang-iba kasi ang aking apelyido sa kanila, GOJO CRUZ. 'Yung guro noong Kinder, laging ipinipilit sa akin na R dapat ang GOJO, kaya hanggang noong makatapos ako ng Kinder, ROJO pa rin ang nakasulat sa aking diploma. Madalas din na mali ang bigkas sa aking apelyido sa mga programa—sa halip na GO-HO ay laging GO-JO ang bigkas.

Kaya noong nalaman kong isasama na ako pauwi ng Bulacan ng isa ko pang kapatid na babae na nagpunta lang doon upang tulungan ang kapapanganak kong Ate, umaapaw ang aking kaligayahan, parang bigla akong lumaya. Bukod pa sa ligayang makakasama ko na ang aking Tatay at ang aking iba pang kapatid.

Kaya Grade 4 ako nang magsimula akong pumasok sa Muzon Elementary School (Benito Nieto Elementary School) sa Bulacan. Sa unang araw ng pasukan, gulat na gulat ako dahil mayroon na akong ka-apelyido--tatlo kaming GOJO CRUZ sa aming klase. Marami rin ang nakakakilala sa aking Tatay at aking mga kapatid. Alam na alam nila kung saan ang aming bahay. May mga gurong GOJO CRUZ din ang apelyido. Alam na alam din ng aking guro kung paano ang tamang pagbigkas at pagsulat ng aking apelyido.

Noon ko lang naramdaman na masarap tumira sa sariling tahanan, na di lang pinatutuloy ngunit higit sa lahat pinapapasok at inaaruga. Hinding-hindi ko naramdaman ang kalupitan.

Noong isang linggo, mapalad kong nakitang muli ang San Joaquin Elementary School pagkaraan ng maraming taon. Dito ako nagsimulang mag-aral hanggang Grade 3. Napansin ko, wala na ang lumang-lumang gusali na yari sa kahoy, na dati ay binubunot at pinakikintab pa naming magkaklase ang kahoy na sahig. Napalitan na ito ng maganda at kongkretong gusali. Napalitan na rin ng tuwa ang dating pangambang lagi kong nararamdaman noong bata ako—wala na ang pangamba ng batang laging ipinatatanggol ang sarili laban sa mga taga-San Joaquin na ayaw na ayaw sa mga dayo, sa mga ibang-iba ang apelyidong tulad ko.

2 comments:

  1. Nais mo bang bumili ng Bato o nais mong ibenta ang iyong
    bato? Naghahanap ka ba ng isang pagkakataon upang ibenta ang iyong bato para sa pera
    dahil sa pagkasira ng pananalapi at hindi mo alam kung ano
    gawin, pagkatapos ay makipag-ugnay sa amin ngayon at bibigyan ka namin ng mabuti
    halaga ng pera $ 500,000 dolyar para sa iyong Kidney. Ang pangalan ko ay Doctor MACPHERSON
    isa akong Nefologist sa MACPHERSON CLINIC. Ang aming klinika ay
    dalubhasa sa Kidney Surgery at nakikipag-ugnayan din kami
    pagbili at paglipat ng mga bato na may buhay na isang
    kaukulang donor. Kami ay matatagpuan sa Indian, Turkey, USA, Malaysia, india
    Kung interesado kang magbenta o bumili ng kidney mangyaring huwag
    mag-atubiling makipag-ugnay sa amin sa whatsapp +33751283487 at sa pamamagitan ng email.
    Email: doctormacphersonclinic@gmail.com

    Pinakamahusay na Regards
    DR MACPHERSON.

    ReplyDelete
  2. Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
    mayocareclinic@gmail.com
    Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
    Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.

    ReplyDelete